Garcia dinedma si Pacquiao; mas gustong labanan si Spence
MANILA, Philippines — Inisnab din ni WBC at IBF lightweight champion Mikey Garcia ang posibilidad na makasagupa si WBA welterweight champion Manny Pacquiao.
Mas prayoridad ni Garcia na makalaban ang kapwa undefeated na si IBF welterweight champion Errol Spence na may 24-0 rekord.
Hawak naman ni Garcia ang 39-0 baraha.
Alam ni Garcia na isang malaking karangalang makaharap ang eight-division world boxing champion sa isang mega bout.
Lalo pa ngayon na wala na si Pacquiao sa Top Rank kaya’t mas magiging madali na ang negosasyon para matuloy ang laban.
Ngunit mas nanaisin nitong makaharap si Spence kesa sa Pinoy champion.
“With Pacquiao, I would also like that fight. He announced that he is already free of Top Rank CEO Bob Arum and now there is more of a possibility. But right now Spence is more important to me than Pacquiao,” ani Garcia sa ESPN Deportes.
Target ni Garcia na lumaban sa Nobyembre o Disyembre at pursigidong sagupain si Spence sa kabila ng pagtutol ng kanyang team.
“I plan to return at the end of November, beginning of December, there is no date yet but we are going to talk about it in a couple of weeks. My team does not agree with my decision to go after the fight with Spence. My dad tells me that I should not do it, but in the end I'm making the decision and I'm going to try to get that fight,” ani Garcia.
Muling bumango ang pangalan ni Pacquiao nang maitala ang seventh-round technical knockout win laban kay Lucas Matthysse noong nakaraang buwan sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Kaya naman naglutangan ang malalaking pangalan na posibleng makaharap ni Pacquiao sa kanyang susunod na laban – kabilang na nga si Garcia.
Si Garcia ang ikalawang boksingerong tumangging makalaban si Pacquiao.
Nauna nang inisnab ni undefeated American boxer Floyd Mayweather Jr. ang posibilidad na Pacquiao-Mayweather II fight.
Nais pa naman sana ni Mayweather na tumulong para maisaayos ang Pacquiao-Garcia fight. Subalit hindi pa man nag-iinit ang negosasyon, agad na itong binuhusan ng malamig na tubig ni Garcia.
- Latest