Bedans asam ang 3-dikit vs EAC
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - July 31, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Puntirya ng nagdedepensang San Beda University ang ikatlong sunod na panalo sa pakikipagtipan nito sa Emilio Aguinaldo College sa pagpapatuloy ng  NCAA Season 94 men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Magtutuos ang Red Lions at Generals sa alas-4 ng hapon habang aariba rin ang bakbakan ng College of Saint Benilde at Jose Rizal University sa alas-12 ng tanghali at ng Mapua University at Arellano University sa alas-2.

Okupado ng San Beda ang No. 2 spot hawak ang malinis na 2-0 rekord sa ilalim ng nangungunang Lyceum of the Philippines na may matikas na 5-0 baraha.

Sinimulan ng Red Lions ang kampanya nito sa pamamagitan ng 67-65 panalo kontra sa season host University of Perpe­tual Help System Dalta sa opening day noong Hulyo 8 kasunod ang pamama­yagpag sa Benilde, 75-69 noong nakaraang linggo.

Sa kabilang banda, wala pang panalo ang Generals matapos lumasap ng tatlong dikit na kabiguan kabilang ang kanilang 74-76 overtime loss sa Altas noong Huwebes.

Subalit para kay San Beda coach Boyet Fernandez, hindi dapat balewalain ang Generals dahil armado ito ng matitikas na manla­laro kabilang na si 6-foot-9 Cameroonian Hamadou Laminou na may averages na 20 points, 12 rebounds at 2.3 blocks.

“They have a tall and strong import and they have some key pieces who could beat any team so there is no reason to expect an easy game,” ani Fernandez.

Kung may Laminou ang Generals, may Robert Bolick ang San Beda.

Impresibo ang inilalaro ni Bolick na may average na career-best 20 points kada laro kabilang ang career-high 25-point effort sa kanilang panalo laban sa Benilde.

Nais naman ng Arellano na madugtungan ang kanilang 82-81 overtime win sa San Sebastian College-Recoletos noong Biyernes.

Sasandalan ng Chiefs si Levi dela Cruz na siyang humalili sa nabakanteng puwesto ni Kent Salado na nagtamo ng season-ending ACL injury.

“He has a big heart,” ani Arellano mentor Jerry Codiñera.

Nakatali sa three-way tie sa No. 3 ang Arellano, Letran at Perpetual Help hawak ang pare-parehong 2-1 marka. 

EMILIO AGUINALDO COLLEGE SAN BEDA UNIVERSITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with