Tila kumukuha ng tiyempo si Arwind Santos ng San Miguel laban kay import Justin Brownlee ng Ginebra sa Game 2 ng PBA Finals.
Jun Mendoza
Bumawi ang San Miguel
(Pilipino Star Ngayon) - July 30, 2018 - 12:00am

Tinambakan din ang Ginebra sa game 2

MANILA, Philippines — Kagaya ng inaasahan, naging palaban at pisikal ang mga Beermen sa ikalawa nilang paghaharap ng mga Gin Kings.

Niresbakan ng nagde­depensang San Miguel ang Barangay Ginebra, 134-109 sa Game Two ng kanilang championship series sa 2018 PBA Commisisoner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Itinabla ng Beermen ang best-of-seven titular showdown nila ng Gin Kings, inangkin ang Game One, 122-99 noong Biyer­nes, sa 1-1 sa harap ni Sen. Robert Jaworski.

Pag-aagawan nila ang 2-1 lead sa Game Three sa Miyerkules sa Big Dome.

Nagkaroon lamang ng tensyon nang tirahin ni Arwind Santos sa sikmura si Scottie Thompson sa huling 5:18 minuto ng final canto na nagresulta sa kanyang pagkakatalsik sa laro.

Nagpaliyab sa muntik nang rambulan ng San Miguel at Ginebra sa huling 5:03 minuto ng labanan sangkot sina Joe Devance, Chris Ross, import Renaldo Balkman at Kevin Ferrer.

Nagtala si veteran guard  Alex Cabagnot ng 22 points, 7 assists at 4 steals sa first half habang nagdagdag sina Balkman, Marcio Lassiter at four-time PBA MVP June Mar Fajardo ng tig-13 at 12 markers, ayon sa pagkakasunod.

Ang naturang ratsada ang nagbigay sa San Miguel ng 75-46 kalama­ngan laban sa Ginebra, may malamyang 16-of-32 fieldgoal shooting kumpara sa mas magandang 29-of-47 clip ng tropa ni coach Leo Austria.

Nauna nang nagtayo ang Beermen ng 28-17 abante mula sa three-point shot ni Cabagnot bago ibaon ang Gin Kings sa 71-43 galing sa dalawang free throws ni rookie Christian Standhardinger sa huling 55.1 segundo ng second period.

Bagama’t ilang beses nagpilit makalapit ang Ginebra ay hindi bumitaw ang San Miguel kung saan nila inilista ang 91-67 bentahe sa 4:19 minuto ng third period.

GIN KINGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with