^

PSN Palaro

Lady Tams nagpakilala agad

Pilipino Star Ngayon
Lady Tams nagpakilala agad
Pinangunahan ni middle hitter Celine Domingo ang ratsada ng Lady Tamaraws nang bumanat ito ng 14 hits kabilang ang 12 attacks habang nagdagdag sina skipper Jerilli Malabanan at rookie Lycha Ebon ng tig-11 puntos.

MANILA, Philippines — Sinuwag ng Far Eas­tern University ang College of Saint Benilde, 25-19, 32-30, 15-25, 24-26, 15-4  para masikwat ang kanilang unang panalo sa Premier Volleyball League Collegiate Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Pinangunahan ni middle hitter Celine Domingo ang ratsada ng Lady Tamaraws nang bumanat ito ng 14 hits kabilang ang 12 attacks habang nagdagdag sina skipper Jerilli Malabanan at rookie Lycha Ebon ng tig-11 puntos.

Nakagawa rin si middle blocker Jeannette Villareal ng 10 kills para sa FEU na umangat sa unahan ng standings kasama ang Adamson University na nauna nang pinatumba ang University of Perpetual Help System Dalta para sa 1-0 marka.

Ilang hitting errors at malamyang service receive ang nagawa ng Lady Tamaraws sa ikatlo at ikaapat na kanto dahilan upang makaariba ng husto ang Lady Blazers sa likod nina playmaker Jewel Lai, at spikers Maritess Pablo at Jan Daguil at Klarissa Abriam.

Subalit mabilis na nakabangon ang FEU sa fifth set nang manduhan ni Malabanan ang attack line habang ilang solidong blocks din ang nagawa nina playmaker Kyle Negrito at Domingo para makuha ng tropa ang panalo.

Sa katunayan, lamang ang Lady Blazers sa attacks, 55-51 at blocks, 10-6. Ngunit nakagawa ito ng 47 errors na lubos na siyang nagpalubog sa kanilang tsansa partikular na sa krusyal na sandali sa fifth set.

Nasayang ang 20 mar­kers ni Pablo gayundin ang 18 ni Daguil at 15 ni Abriam para sa Lady Blazers.

Sa men’s division, na­naig ang National University sa University of Perpetual Help System Dalta, 25-18, 27-25, 23-25, 25-16 sa likod ng impresibong laro ni  UAAP Season 80 Finals MVP Bryan Bagunas na humataw ng 24 puntos.

Nakakuha si Bagunas ng suporta mula sa tatlo pang Bulldogs na nagtala rin ng double figures kabilang na si Angelo Almendres na may 13 markers. Bumanat naman ng 11 hits si open hitter Madzlan Gampong at 10 naman si middle blocker Kim Ma­labunga.

Namayani rin ang College of Saint Benilde kontra sa San Beda University, 25-21, 15-25, 28-26, 27-25 kung saan bumida si Ruvince Abrot nang pu­malo ito ng 22 puntos. (Chris Co)

vuukle comment

FAR EAS­TERN UNIVERSITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with