^

PSN Palaro

F2 Logistics kakasa sa Petron sa PSL Finale

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
F2 Logistics kakasa sa Petron sa PSL Finale
Hinatawan ni Ria Meneses ng Generika si Mic Mic Laborte ng Sta. Lucia sa PSL Invitational Conference.

Laro sa Huwebes  (FilOil, San Juan City)

4:15 p.m.  Smart-Army vs Cignal HD (Bronze medal match)

7 p.m.  Petron vs  F2 Logistics  (Finals: Game 1)

MANILA, Philippines — Winalis ng Petron Blaze Spikers ang Smart-Army Giga Hitters, 25-12, 25-15, 25-17 para angkinin ang unang finals berth kahapon sa pagpapatuloy ng 2018 Philippine Superliga Invitational Conference sa Muntinlupa City Sports Center.

 Ipinakita ng Blaze Spi­kers ang sobrang lakas sa opensa at depensa kaya sa unang set pa lamang lumamang agad sila sa 12-5 na lomobo naman sa 19-8 bago ang sunud-sunod na hataw ni Mika Reyes para tapusin ang set, 25-12 sa loob ng 18 minuto lamang.

Sa unang set, nagpaulan na ang Blaze Spi­kers ng 14 atake habang lima lamang sa Gigi Hitters tungo sa malaking panalo sa kanilang knockout semifinals.

Tuluy-tuloy ang matikas na laro ng Petron sa ikalawang set at walang nakitang pangtapat si Smart coach Kungfu Reyes para pigilin ang pagragasa ng Petron.

Makaharap ng Petron Blaze sa Finals ang magwawagi sa knockout semis match ng F2 Logistics at ng nagdedepensang Cignal HD na kapwa naglalaro pa habang sinusulat ang istoryang ito.

“Masaya kami dahil si­yempre Finals na kami. Mas lalo pa naming pagbubutihin ang laro namin sa Finals dahil gusto rin talaga na­ming mag-champion. Kaya bukas mage-ensayo agad kami at aayusin pa namin ang opensa at depensa namin,” ani Pons ng Petron.

Pinatumba naman ng F2 Logistics Cargo Movers ang Cignal HD Spikers,  25-22, 25-15, 25-19 sa ikalawang laro.

Sisimulan ng Petron at F2 Logistics ang kanilang championship series sa Huwebes.

 Sa iba pang laro, nagwagi naman ang Generika-Ayala Lifesavers kontra sa Sta. Lucia Lady Realtors sa apat na sets, 25-10, 24-26, 25-10, 25-18  para tumapos sa pang-limang puwesto sa 10-team tourney.

vuukle comment

2018 PHILIPPINE SUPERLIGA INVITATIONAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with