^

PSN Palaro

Beristain gusto nang pagretiruhin si Pacquiao

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Beristain gusto nang pagretiruhin si Pacquiao
Sa panayam ng ESPN Deportes ay sinabi ni Beristain na wala nang dapat pang patunayan ang 39-anyos na si Pacquiao sa ibabaw ng boxing ring.
AFP PHOTO/MP/WENDELL ALINEA

MANILA, Philippines — Sa sobrang laki ng respeto ni Ignacio 'Nacho' Be­ristain kay Manny Pacquiao ay gusto na ng Mexican legendary trainer na magretiro ang Filipino world eight-division champion.

Sa panayam ng ESPN Deportes ay sinabi ni Beristain na wala nang dapat pang patunayan ang 39-anyos na si Pacquiao sa ibabaw ng boxing ring.

At imbes na humanap ng laban ngayong taon ay mas mabuti nang isabit na ni 'Pacman' ang kanyang boxing gloves.

“I am sure that Manny Pacquiao will be able to do much more for his people, but in boxing he did what he did, and now he should have every right in the world to choose his opponents to have a decent exit,” wika ni Beristain.

Kamakalawa ay inamin ni Pacquiao ang pagsailalim niya sa angiogram isang linggo bago talunin si Lucas Matthysse matapos ireklamo ang kahirapang huminga sa kanyang training.

Si Beristain ang chief trainer ni Mexican boxing great Juan Manuel Marquez na nagpatulog kay Pacquiao sa huling segundo ng sixth round sa kanilang ikaapat na paghaharap noong Disyembre ng 2012.

Matapos umiskor ng isang seventh-round TKO victory laban kay Lucas Matthysse ng Argentina noong Linggo sa Kuala Lumpur, Malaysia ay isa kina Vasiliy Lomachenko at Terence Crawford ang gustong sagupain ni Pacquiao.

“I would not like to see him in those fights that they are discussing, with Lo­machenko or Crawford,” ani Beristain.

Sina Lomachenko at Crawford ay nasa bakuran ng Top Rank Promotions ni Bob Arum na iniwan ni Pacquiao at nagtayo ng sarili niyang MP Promotions.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with