^

PSN Palaro

Adamson buwenamano ang Perpetual Help sa PVL

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Adamson buwenamano ang Perpetual Help sa PVL
Nagsilbing lider ng Lady Falcons si veteran hitter Christine Soyud na nagsumite ng 17 puntos mula sa 10 attacks, apat na blocks at tatlong aces para pamunuan ang opensa at depensa ng tropa.

Laro Ngayon (The Arena)

10am NU vs Perpetual (M)

12nn SBU vs Benilde (M)

4pm FEU vs St. Benilde (W)

6pm UST vs SSC-R (W)

MANILA, Philippines — Mabilis na dinispatsa ng Adamson University ang University of Perpetual Help System Dalta, 25-19, 25-18, 25-16 upang mahablot ang kanilang  buwenamanong panalo sa Premier Volleyball League Collegiate Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nagsilbing lider ng Lady Falcons si veteran hitter Christine Soyud na nagsumite ng 17 puntos mula sa 10 attacks, apat na blocks at tatlong aces para pamunuan ang opensa at depensa ng tropa.

“Mas ginusto naming manalo this game. ‘Yung teamwork lang ang nagdala sa amin. Kailangan ko ring i-accept yung role ko para makagalaw ako sa loob ng court at ma-guide ko ‘yung mga bata,” ani Soyud.

Humataw ang Adamson ng 35 attacks laban sa 28 ng Perpetual Help.

Nagtala rin ang Lady Falcons ng 12 blocks at walong aces habang may kabuuang 50 digs ito tampok ang 19 mula kay Rose Ponce.

Tanging si Bianca Tri­poli ang nagtala ng double figures para sa Lady Altas tangan ang 12 markers.

Samantala, magkakaroon ng bagong collegiate champion sa taong ito matapos mag-pullout ang reigning titlist National University.

Pormal na ipinaalam ng NU ang intensiyon nitong lumiban sa kumperensiyang ito sa pamamagitan ni Lady Bulldogs mentor Babes Castillo.

Nakatakda sanang harapin ng NU ang San Beda University kahapon.

Sa men’s division, pina­yuko ng Adamson at University of the Philippines ang kani-kanilang karibal para maagang pagsaluhan ang liderato.

Kumana si Paolo Pablico ng 30 puntos para hatakin ang Soaring Falcons sa 25-22, 26-24, 22-25, 26-24 panalo laban sa Arellano University habang naiselyo ng Fighting Maroons ang 23-25, 25-19, 25-27, 25-22, 15-12 desisyon kontra De La Salle University sa likod ng  31 puntos na produksiyon ni Mac Millete.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE COLLEGIATE CONFERENCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with