Ateneo giniba ang Lithuania
MANILA, Philippines — Ginulpi ng Ateneo de Manila University ang LSU Atletas-Lithuania sa bisa ng 98-65 demolisyon upang mapalakas ang tsansa nitong makapasok sa podium sa 2018 William Jones Cup na ginaganap sa Xinzhuang Gymnasium sa New Taipei City, Taiwan.
Kumuha ng lakas ang Blue Eagles kay William Navarro na humataw ng 20 puntos, limang rebounds at limang assists habang nagdagdag naman si Angelo Kouame ng 19 markers.
Nagdagdag naman si Thirdy Ravena ng 14 puntos at walong boards habang tumipa sina Matt Nieto at Isaac Go ng tig-10 markers para sa Blue Eagles.
Umangat ang Ateneo sa 4-2 rekord para okupahan ang No. 4 spot kasalo ang Chinese-Taipei Blue na may prehong marka.
Nakatali sa three-way tie sa unahan ang Canada, Iran at S. Korea na pawang may 6-1 marka.
- Latest