^

PSN Palaro

Generals sumuko sa Chiefs

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Generals sumuko sa Chiefs
Nangibabaw para sa Chiefs si Archie Concepcion na tumipa ng 15 puntos at humatak ng 10 rebounds habang nakakuha ito ng sapat na suporta mula kay Levi Dela Cruz na umiskor ng 12 puntos tampok ang pito sa extra period.
Jun Mendoza/File

Laro Ngayon (The Arena)

12nn Mapu va Benilde

2pm LPU vs JRU

4pm SSCR vs Letran

 MANILA, Philippines — Naprotektahan ng Arellano University ang teritoryo nito matapos kubrahin ang 75-69 overtime win laban sa dumayong Emilio Aguinaldo College para angkinin ang kanilang unang panalo sa NCAA Season 94 men’s basketball tournament sa Arellano Gym sa Legarda, Manila.

Nangibabaw para sa Chiefs si Archie Concepcion na tumipa ng 15 puntos at humatak ng 10 rebounds habang nakakuha ito ng sapat na suporta mula kay Levi Dela Cruz na umiskor ng 12 puntos tampok ang pito sa extra period.

Umiskor din si Adrian Alban ng 13 markers at Rence Alcoriza ng 12 puntos para tulungan ang kanilang tropa na pasukuin ang Generals.

Pare-parehong may 14 puntos sina Hamadou Laminou, Jess Bautista at Maul Cruz para sa Ge­nerals.

Sa juniors, hinatak ng Arellano High School ang 79-77 come-from-behind win laban sa Emilio Aguinaldo College-Immaculate Concepcion Academy para masiguro ang kanilang unang panalo.

Kumana si Romuel Junsay ng career-high 34 points kasama ang pitong rebounds, dalawang assists at dalawang steals para pamunuan ang Braves na sumalo sa No. 2 spot kasama ang defending champion La Salle Greenhills at Jose Rizal High School.

vuukle comment

NCAA SEASON 94 MEN’S BASKETBALL TOURNAMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with