^

PSN Palaro

Lady Warriors inupuan ang 9th place

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Lady Warriors inupuan ang 9th place
Ipinakita ng baguhang Lady Warriors ang kanilang determinasyon para ma­lampasan ang limang match points sa ikalimang set bago tapusin ang laro sa loob ng 23 minuto.
Migue De Guzman/File

Laro Bukas(Muntinlupa City Sports Center)

2 p.m.  Sta. Lucia  vs Smart-Army / Generika-Ayala (For 5th Place)

4 p.m. Petron  vs  Smart-Army / Generika-Ayala (Knockout semis)

6 p.m. Cignal HD   vs   F2 Logistics (Knockout semis)

MANILA, Philippines — Nagwagi ang collegiate team University of the East-Cherrylume laban sa Cocolife Asset Managers sa limang sets, 22-25, 26-24, 25-19, 21-25, 22-20 kahapon sa pagpapatuloy ng 2018 Philippine Superliga Invitational Conference  sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Ipinakita ng baguhang Lady Warriors ang kanilang determinasyon para ma­lampasan ang limang match points sa ikalimang set bago tapusin ang laro  sa loob ng 23 minuto.

Hindi nagpadaig sina Mary Anne Mendrez, Juliet Catindig, Mariella Gabarda, Judith Abil, May Clavano at Joyce Santos laban sa mga bateranong Asset Managers upang angkinin ang kaisa-isang panalo sa torneo.

Sa kanilang panalo, tinapos ng Lady Warriors ang kampanya sa pang-siyam na puwesto habang ang Cocolife ni coach Moro Branislav ay lumapag sa huling puwesto sa 10-team tourney.

Naglalaban pa ang Foton at University of the Philippines-UAI para sa ika-7 puwesto habang sinusulat ang balitang ito.

 Naitabla ng Cocolife ang laro pagkaraang manalo sa ika-apat na set, ngunit lalong tumibay ang Lady Warriors at naki­pagsabayan sa Asset Ma­nagers kaya humantong sa 22-20 ang iskor sa fifth set na umabot sa 23 minuto.

Pinangunahan ni Mendrez ang Lady Warriors sa kanyang 27 puntos kabilang na ang 24 atake at tatlong aces.

vuukle comment

UNIVERSITY OF THE EAST-CHERRYLUME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with