^

PSN Palaro

UP-UAI giniba ang Cocolife

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
UP-UAI giniba ang Cocolife
Hindi na pinatagal pa ng Lady Fighting Maroons ang laban at tinapos lamang ang laro sa mahigit isang oras at 35 minuto para masungkit ang una nilang panalo sa liga.
Joey Mendoza/File

Laro Bukas(FilOil Flying V Center, San Juan City)

2 p.m.  - UE-Cherrylume vs Cocolife (For 9th Place)

4:15 p.m. - UP-UAI Lady vs Foton (For 7th Place)

7 p.m. - Generika-Ayala vs  Smart-Army (Knockout Quarterfinals)

MANILA, Philippines — Pinataob ng UP-UAI Lady Fighting Maroons ang Cocolife, 23-25, 25-20, 25-16, 25-13 habang nagwagi naman ang Foton laban sa UE-Cherrylume via  default  kahapon sa classification matches ng 2018  Philippine Superliga Invitational Conference kahapon sa Imus Sports Complex sa Cavite.

Hindi na pinatagal pa ng Lady Fighting Maroons ang laban at tinapos lamang ang laro sa mahigit isang oras at 35 minuto para masungkit ang una nilang panalo sa liga.

Pinangunahan ni Isa Molde ang Lady Fighting Maroons sa kanyang 17 puntos kabilang na ang 14 atake, isang block at dalawang aces habang umani rin ng 35 excellent sets na may kasamang pitong puntos si Arielle Estranero upang masiguro ang pagta­tapos sa kanilang kam­panya sa 8th place.

Bunga ng panalo, haharapin ng Diliman-based team ni coach Godfrey Okumu ng Kenya ang Foton Tornadoes sa battle for 7th place habang ang UE-Cherrylume ay lalaban kontra sa Cocolife bukas din para sa pang-siyam na puwesto.

vuukle comment

UP-UAI LADY FIGHTING MAROONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with