^

PSN Palaro

Kiamco kampeon sa West Coast

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Kiamco kampeon sa West Coast
Walang sinayang na sandali si Kiamco nang ilatag nito ang kanyang malalim na karanasan para patumbahin si Omar Al-Shaheen ng Kuwait sa bendisyon ng 13-5 sa finals

MANILA, Philippines — Hindi matinag ang Pinoy cue masters sa Amerika matapos mamayagpag sa pagkakataong ito si Warren Kiamco sa 2018 West Coast Swing 10-Ball Challenge na ginanap sa Freezer’s Ice House sa Tempre, Arizona.

Walang sinayang na sandali si Kiamco nang ilatag nito ang kanyang malalim na karanasan para patumbahin si Omar Al-Shaheen ng Kuwait sa bendisyon ng 13-5 sa finals

Maganda ang simula ni Kiamco nang magtala ito ng sunud-sunod na panalo kina John Hall sa first round (8-2), Aaron Morgan sa second round (8-0), Alex Pagulayan sa third round (8-3), Corey Deuel sa fourth round (8-6) at Dennis Orcollo sa fifth round (8-4).

Subalit natuldukan ang winning run ni Kiamco nang lumasap ito ng 5-8 kabiguan kay Al-Shaheen sa sixth round dahilan upang mahulog ang Pinoy bet sa losers’ bracket ng torneong nagpatupad ng double-elimination format.

Ngunit hindi nawalan ng pag-asa si Kiamco matapos igupo sina Orcollo (8-6), Max Eberle (8-5) at Shane McMinn (8-5) para maisaayos ang muling pakikipagtipan kay Al-Shaheen sa finals.

Armado ng determinasyon at inspirasyong makaresbak, agad na inilatag ni Kiamco ang husay nito gamit ang malalakas na breaks para dominahin ang buong tempo ng laban.

Napasakamay ni K­iamco ang $6,500 premyo.

vuukle comment

PINOY CUE MASTERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with