^

PSN Palaro

Juico hataw sa panalo ng Lanterns

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Juico hataw sa panalo ng Lanterns
Umiskor si Michael Juico ng 35 puntos para pangunahan ang ikalawang panalo ng Lanterns sa tatlong laro habang si Juneric Baloria ay tumulong din ng 20 puntos.
File Photo

Laro Ngayon(Bataan People’s Center)

7 p.m.  Mandaluyong vs   Navotas

9 p.m. Bataan vs GeneralSantos

MANILA, Philippines — Nagwagi ang Pampanga Lanterns laban sa Parañaque Patriots, 82-79 sa pagpapatuloy ng 2018 Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles City.

Umiskor si Michael Juico ng 35 puntos para pangunahan ang ikalawang panalo ng Lanterns sa tatlong laro habang si Juneric Baloria ay tumulong din ng 20 puntos.

Malaki rin ang naitulong ni Marlon Gomez sa kanyang 11 puntos at 12 rebounds para sa Pampanga.

 Sa isa pang laro, nilampaso ng Zamboanga Valientes ang Marikina Shoemasters, 87-80 upang ibulsa ang ikalawang panalo sa apat na laro habang ang Shoemasters ay nakatikim ng kanilang ikatlong sunod na talo matapos magwagi sa opening game.

Pinangunahan ni Reed Juntilla ang Valientes sa kanyang 19 puntos.

Samantala, kinansela rin ng MPBL ang laro ng Muntinlupa Cagers at Pasig Pirates at Imus Bandera  laban sa Quezon  City Capitals kagabi sa Muntinlupa Sports Complex dahil sa patuloy na pag-ulan. 

Nakatakdang harapin ng Cagers, nananatiling matayog sa ipinosteng tatlong sunod na panalo, ang Pasig Pirates sa alas-9 ng gabi habang sasagupain naman ng Imus Bandera ang Quezon City Capitals-Black Mamba sa unang laro sa alas-7.

vuukle comment

2018 MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE DATU CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with