National team mapapalaban sa aspiring jins
MANILA, Philippines — Inaasahang magpapakitang gilas ang mga miyembro ng national team laban sa mga aspiring athletes sa 42nd SMART/MVP Sports Foundation National Championships sa Sabado at Linggo (July 21-22) sa Rizal Memorial Coliseum.
Mahigit 2,000 taekwondo jins mula sa 300 koponan ang sasabak sa malaking event na inoorganisa ng Philippine Taekwondo Association.
Ayon kay organizing committee chairman Grand Master Sung Chon Hong ang mga miyembro ng national team ay kakatawan sa kani-kanilang club team.
Ang ibang kasali sa torneyo na sinusuportahan ng PLDT, Meralco, Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Olympic Committee at MILO ay mula sa iba’t ibang 12 rehiyon sa buong bansa kabilang na ang ARMM, CAR, CARAGA, NCR, Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.
Tampok din sa kumpetisyon ang Advance at Novice categories sa male at female fighters ng senior, junior, Cadet at grade school kung saan bawat koponan ay mayroong mahigit na limang miyembro at dalawang alternates.
Ang mga nagkumpirma na sa pagsali ay ang Central Gymnasium, DLSU, CSB, Ateneo, UST, UE, FEU, LSGH, San Beda College, UP Diliman, DPS, DLSZ, Arellano, Las Piñas, Cebu, Iloilo, Bacolod, Philippine Navy, Philippine Air Force, Philippine Army at PNP.
Para maiwasan ang pagkakamali gagamitin sa tournament ang PSS (protective scoring system), ESS (electronic scoring system) at Daedo PSS, IVS (instant video system).
- Latest