^

PSN Palaro

Pacman kay Floyd: rematch na tayo

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pacman kay Floyd:  rematch na tayo
Kasama ni Manny Pacquiao ang bunsong anak na si Israel habang nagre-relax.
(Instagram)

MANILA, Philippines — Bukas na bukas si eight-division world champion Manny Pacquiao sa posibilidad na muling makaharap si undefeated Floyd Mayweather Jr. sa isang rematch.

Matapos ang impresibong seventh-round technical knockout win laban kay Lucas Matthysse ng Argentina, naglabasan na ang mga pangalan na posibleng makaharap ni Pacquiao sa kanyang susunod na laban.

“Mayweather? If he decides to go back to boxing then that is the time we are going to call the shots. I have the belt, so it’s up to him. If he wants to come back in boxing let’s do a second one,” ani Pacquiao.

Gayunpaman, nakasalalay pa rin ito kay Mayweather na kasalukuyang nag-eenjoy sa buhay retirado.

Ngunit kung magbabalik-aksiyon si Mayweather, handa si Pacquiao na muli itong makasagupa.

Nagwagi si Maywea­ther sa kanilang unang paghaharap noong 2015 via unanimous decision at umaasa ang kampo na Pacquiao na siya ang kauna-unahang dudungis sa 50- imakuladang rekord ng Amerikano.

Apat pang pangalan ang lumutang.

Nasa listahan din si Australian Jeff Horn na nagtala ng unanimous decision win kontra kay Pacquiao noong nakaraang taon para maagaw ang WBO welterweight belt ng Pambansang Kamao.

Pasok din ang pangalan ni Terence Crawford na siya namang tumalo kay Horn para tanghaling bagong WBO welterweight champion.

Para muling mabawi ang WBO belt, kailangan ni Pacquiao na pataubin si Crawford.

Magbabalik-aksiyon na rin si Ukrainian lightweight champion Vasyl Lomachenko matapos ang ilang buwang pahinga matapos sumailalim sa shoulder surgery.

At isa si Pacquiao sa mga nais makalaban ng kampo ni Lomachenko

Hindi rin mawawala ang pangalan ni light welterweight champion Amir Khan.

Maghaharap sana sina Pacquiao at Khan noong nakaraang taon sa Dubai subalit hindi ito natuloy dahil sa usaping pinansiyal.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with