Nangangamoy Finals sa SMB
MANILA, Philippines — Inilapit ng mga Beermen ang kanilang sarili para sa isang sweep at pang-40 PBA Finals appearance.
Bumalikwas ang nagdedepensang San Miguel mula sa 16-point deficit sa second period para balikan ang Alaska, 105-94 sa Game Two ng kanilang semifinals duel sa 2018 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Ipinoste ng Beermen, inangkin ang 92-79 panalo sa Game One, ang matayog na 2-0 bentahe sa best-of-five semis wars nila ng Aces para lumapit sa tiket sa best-of-seven championship series.
Itinala ng Alaska ang 29-18 abante sa pagtatapos ng first period at pinalaki ito sa 41-25 sa 8:22 minuto ng second quarter patungo sa pagbitbit sa 52-41 bentahe sa halftime.
Sa third canto ay humataw si Balkman ng 14 points habang nagsalpak si Chris Ross ng tatlong three-point shots para agawin ng San Miguel ang 79-74 abante sa pagpinid nito.
Kumawala ang Beermen sa gitna ng fourth period tampok ang 3-point play ni four-time PBA MVP June Mar Fajardo para ilista ang 10-point lead, 97-87 sa huling 2:55 minuto ng laro.
- Latest