^

PSN Palaro

France kampeon sa World Cup

Pilipino Star Ngayon
France kampeon sa World Cup
Ito ang highest-scoring decider sapul nang talunin ng England ang West Germany, 4-2 makaraan ang extra-time noong 1966 at ang most goals sa normal time matapos biguin ng Brazil ang Sweden, 5-2 60 taon na ang nakakalipas..

MOSCOW – Inangkin ng France ang World Cup sa ikalawang pagkakataon matapos kunin ang 4-2 panalo laban sa Croatia sa isa sa pinakapana-panabik na finals game.

Ito ang highest-scoring decider sapul nang talunin ng England ang West Germany, 4-2 makaraan ang extra-time noong 1966 at ang most goals sa normal time matapos biguin ng Brazil ang Sweden, 5-2 60 taon na ang nakakalipas..

Unang nagkampeon ang France noong 1998.

Si Didier Deschamps, ang team captain ng 1998 France team, ang ikatlong lalaki na nanalo ng World Cup bilang player at coach matapos sina Mario Zagallo ng Brazil at Franz Beckenbauer ng Germany.

Dumulas ang bola sa ulo ni Mario Mandzukic ng Croatia mula sa free kick ni Antoine Griezmann na nagbigay sa France ng 1-0 abante bago ito naitabla ni Ivan Perisic sa 1-1.

Isinara ni Griezmann ang first half mula sa isang goal sa 38th minuto para sa 2-1 lead ng mga French kasunod ang dalawang puntos nina Paul Pogba at Kylian Mbappe para ibaon ang Croatia sa 4-1.

vuukle comment

WORLD CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with