^

PSN Palaro

Scratchers makikisalo sa unahan vs Scorpions

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Scratchers makikisalo sa unahan vs Scorpions
Maghaharap ang Scratchers at Scorpions sa ala-una kasunod ang duwelo ng Marinerong Pilipino at Batangas sa alas-3.

MANILA, Philippines — Pakay ng Go For Gold na muling makisalo sa lide­rato sa pakikipagtipan sa Centro Escolar University sa pagpapatuloy ng 2018 PBA D-League sa Ynares Sports Arena sa Pasig City. 

Maghaharap ang Scratchers at Scorpions sa ala-una kasunod ang duwelo ng Marinerong Pilipino at Batangas sa alas-3.

 Nagbalik ang angas ng Scratchers nang gulpihin nito ang AMA Online Education sa pamamagitan ng 135-91 demolisyon sa kanilang huling laro.

 Solo ng Che’Lu ang unahan hawak ang 6-2 rekord kasunod ang Go For Gold (5-2), CEU (4-3), Marinerong Pilipino (4-3), Batangas (3-4) at AMA (0-8).

 Para lubos na paning­ning ang kanilang tropa, kinuha ng Go For Gold si Rey Publico na siyang inaasahang makakatuwang ni bigman Jerwin Gaco.

Umaasa naman ang Scorpions na maka­ka­resbak ito sa Scratchers mula sa kanilang 83-92 kabiguan sa first round.

Maliban pa rito, naghahabol ang Scorpions na makalikom ng mga krusyal na panalo para makaiwas sa kumplikadong sitwasyon sa pagpasok sa susunod na yugto ng torneo.

vuukle comment

2018 PBA D-LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with