_ngayon
^

PSN Palaro

Amer hinugot ni Reyes laban sa Australia

RCadayona - Pilipino Star Ngayon
Amer hinugot ni Reyes laban sa Australia
Carl Bryan Cruz at Ba­­ser Amer

MANILA, Philippines — Alam ni national head coach Chot Reyes na lubu­sang gagamitin ng Austra­lia ang kanilang height ad­van­tage sa Gilas Pi­lipinas.

Para makaiskor sa labas ay hinugot ni Reyes si Meralco shooting guard Ba­­ser Amer kasama si Alas­ka defender Carl Bryan Cruz sa pagsagupa ng Nationals laban sa Boomers nga­yong alas-7:30 ng gabi sa third window ng 2019 FI­BA World Cup Asian Qua­lifiers sa Philippine Are­na sa Bocaue, Bulacan.

“With Australia’s size and power inside, we’ve got to be able to loosen up their interior defense with some great outside shooting,” sa­bi ni Reyes.

Pinalitan nina Amer at Cruz sa line-up sina Jio Jalalon at Allein Maliksi.

Muling babanderahan nina naturalized center Andray Blatche, four-time PBA MVP June Mar Fajardo, Jay­son Castro, Terrence Ro­meo, Gabe Norwood at Cal­vin Abueva ang Natio­nals kasama sina Japeth Aguilar, Troy Rosario, Matthew Wright at RR Pogoy.

Magkasosyo sa lidera­to sa Group B ang Gilas Pi­li­pinas at Australia sa mag­ka­tulad nilang 4-1 record.

Galing ang Nationals sa 93-71 pagdurog sa mga Taiwanese at nakalasap ang mga Boomers ng 78-79 kabiguan sa mga Japanese.

BA­­SER AMER CARL BRYAN CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with