^

PSN Palaro

Mandaluyong rumesbak sa Zamboanga

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas(Pasig City Sports Center)

7 p.m.  Quezon City vs    Davao Occ. 

9 p.m. Pasig City vs   Laguna

MANILA, Philippines — Nagwagi ang Manda­luyong El Tigre laban sa Zamboanga Valientes, 71-61 para masungkit ang ­unang panalo noong Sabado ng gabi sa  pagpapa­tuloy ng 2018 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL)  Datu Cup sa Imus City Sports Complex sa Cavite.

Muling pinangunahan ni Bobby Ray Parks Jr. ang El Tigre sa kanyang 13 puntos at 15 assists at anim na rebounds upang iangat ang koponan sa 1-1 win-loss kartada sa North Division at makabawi sa kanilang 74-86 talo sa Muntinlupa Cagers noong Hunyo 12.

Bukod kay Parks Jr., umani rin ng 18 puntos na may kasamang 12 rebounds si Prince Rivero upang ihulog ang Valientes sa 1-1 record sa South Division.

Pinangunahan ni dating PBA standout Redd Juntilla ang Valientes sa kanyang 20 puntos .

 Sa iba pang laro, naka-eskapo ang Gen. Santos City Warriors laban sa host Imus  Bandera, 79-73  para maitala ang kanilang unang panalo sa dalawang laro sa South Division.

Nagposte si Leomar Losentes ng 20 puntos habang si Marlon Basco ay umiskor din ng 16 puntos at gumawa pa ng  12 rebounds para sa Warriors.

Umani ng 15 puntos si Paolo Pontejos para sa Bandera na nalaglag sa ilalim ng standing sa South Division sa 0-2 card.

vuukle comment

2018 MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with