^

PSN Palaro

Beermen pinatalsik na ang Road Warriors

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Beermen pinatalsik na ang Road Warriors
Nawalan ng balanse si San Miguel import Renaldo Balkman sa depensa ni Jonathan Uyloan ng NLEX.
PBA Image

Laro Ngayon(Smart Araneta Coliseum)

4:30 p.m. Meralco vs RoS

6:45 p.m. Ginebra vs Alaska

MANILA, Philippines — Kasabay ng pagpapatibay sa kanilang tsansa sa quarterfinal round ay ang tuluyan nang pagsibak ng nagdedepensang San Miguel sa NLEX.

Itinala ng Beermen ang kanilang pang-limang panalo matapos pabagsakin ang Road Warriors, 125-114 na tinampukan ng pinagsamang 56 points nina four-time PBA MVP June Mar Fajardo at Marcio Lassiter sa 2018 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Calasiao Sports Complex sa Pangasinan.

Tumapos ang four-time PBA MVP na si Fajardo na may 30 points at 13 rebounds, samantalang tumipa si Lassiter ng 26 markers kasama ang 6-of-9 shooting sa three-point line.

Ito ang ika-limang pa­nalo ng San Miguel sa kanilang huling anim na asignatura at nalasap naman ng NLEX ang pang-walong kabiguan sa 10 laro.

Itinayo ng Beermen ang 12-point lead, 67-55 sa pagbubukas ng third period, ngunit nakalapit naman ang Road Warriors sa 77-79 agwat buhat sa dalawang free throws ni import Arnett Moultrie sa 6:27 minuto ng nasabing yugto.

Isang 14-3 atake ang inilunsad ng San Miguel para muling makalayo sa 93-80 tampok ang jumper ni Lassiter, umiskor ng 15 points sa naturang period, sa huling 4:06 minuto.

Hanggang sa final canto ay hindi binitawan ng Beermen ang kalamangan kung saan nila iniwanan ang Road Warriors sa 123-110 galing sa scoop shot ni Alex Cabagnot sa natitirang 1:45 minuto.

Samantala, target ng Rain or Shine (8-1) ang No. 1 seeding kasama ang ‘twice-to-beat’ incentive sa pagsagupa sa Meralco (7-3) ngayong alas-4:30 ng hapon habang asam ng Barangay Ginebra (4-5) na masikwat ang quarterfinals seat sa pagharap sa Alaska (7-2) sa alas-6:45 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

“I just keep remin­ding the players that even though we’re on top, it’s still difficult because we’ve been winning games that are close,” sabi ni coach Caloy Garcia.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with