^

PSN Palaro

Brazil sinibak ang Costa Rica; Switzerland wagi rin

Pilipino Star Ngayon
Brazil sinibak ang Costa Rica; Switzerland wagi rin
Tuwang-tuwa si Stephen Lichtsteiner ng Switzerland makaraang talunin ang Serbia.

ST. PETERSBURG, Russia — Dalawang goals ang iniskor ng Brazil sa stoppage time para kunin ang 2-0 panalo laban sa Costa Rica sa Group E ng 2018 World Cup.

Naikonekta ni Philippe Coutinho ang kanyang goal sa ika-91 minuto na sinundan ng iskor ni Neymar matapos ang anim na minuto para palakasin ang tsansa ng five-times world champions sa paghablot sa ikaanim na titulo.

Naging malamya ang laro ng Brazil sa first half at sa second period ay hindi naman sila nakalusot kay Costa Rica keeper Keylor Navas.

Inakala ni Neymar na binigyan siya ng penalty sa huling 13 minuto nang ibi­gay sa kanya ng r­eferee ang spot-kick, ngunit nagbago ito ng desisyon matapos ang video assistant referee (VAR) review.

Dahil sa panalo ng Brazil ay nakuha nila ang top spot sa Group E mula sa kanilang 4 points at tuluyang sinibak ang Costa Rica.

Sa Kaliningrad, ang 90th-minute goal ni Xherdan Shaqiri ang tumiyak sa 2-1 panalo ng Switzerland kontra sa Serbia sa Group E match na nagpatibay sa kanilang pag-asang makapasok sa knockout round.

Isinalpak ni Shaqiri ang bola sa harap ng kanilang goal at inilusot kay Vladimir Stojkovic.

Nauna nang ibinigay ni Aleksandar Mitrovic sa Serbia ang 1-0 bentahe matapos makatakas kay Switzerland goalkeeper Yann Sommer sa pang-limang minuto.

Kagaya ng Brazil, may 4 points din ang Switzerland habang may 3 points ang Serbia.

Lalabanan ng mga Swiss ang Costa Rica sa kanilang susunod na laro.

vuukle comment

2018 WORLD CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with