Tuloy ang laban — Pacquiao
(Pilipino Star Ngayon) - June 24, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kung si Manny Pacquiao ang tatanungin ay wala nang makakahadlang pa sa kanilang bakbakan ni Lucas Matthysse sa Hulyo 15 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

“As far as I am concerned, everything is fine,” sabi ni Pacquiao mula sa kanyang training camp sa General Santos City.

Sinabi naman ng media officer ng MP Promotions ni Pacquiao na palagi niyang nakakausap ang Team Matthysse para tiyaking matutuloy ang laban.

“Everyone is on board. The fight is going as planned,” sabi ni Arnold Vegafria, ang humahawak sa marketing and sales ng bakbakan nina Pacquiao at Matthysse.

Kamakalawa ay sinabi ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na may mga bagay na maaaring maging dahilan ng kanselasyon ng salpukan nina Pacquiao at Matthysse.

Ang Top Rank ay wala sa promotional side ng nasa­bing laban at humahawak lamang sa fight broadcast nito sa United States.

 Ang sinasabing $2 milyon na dapat tanggapin ni Matthysse bilang premyo ay hindi pa nailalagay sa isang escrow account matapos ang initial payment na $500,000.

Kung hindi ito mangyayari ay posibleng humanap si Matthysse ng ibang laban.

Sinabi ni Arum na nabigo ang MP Promotions na makaabot sa mga deadlines tungkol sa production at airing ng laban sa ESPN pay-per-view.

Kung matutuloy ang laban ay isasaere ito sa US sa regular ESPN.

“I don’t know what’s going to happen with the fight,” wika ni Arum sa ESPN.com.

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with