Delikadingding
PRESS ROW - Abac Cordero (Pilipino Star Ngayon) - June 24, 2018 - 12:00am

Mukhang nanganganib ang laban ni Manny Pacquiao at Lucas Matthysse sa July 15 na gaganapin sa Kuala Lumpur.

May problema sa pera.

Ayon kay Bob Arum, maraming deadline na ang na-miss ng MP Promotions para maglabas ng pera. Pati ang takits ni Matthysse, hindi pa makumpleto.

Mukhang $2 million ang kay Matthysse. At down payment pa lang na $500,000 ang nasa kanya. Ang $1.5 million ay dapat mailagay sa bangko at pwede niyang i-withdraw after the fight.

Wala pa ito. May banta na yata si Matthysse na kung hindi ito mai-deposit before the fight ay hindi siya sasampa sa ring.

Pati sa broadcast ng fight ay may mga deposits na hindi maibigay ang MP Promotion. At dahil dito, sinabi ni Uncle Bob na hindi na pwedeng ma-pay-per-view ang laban.

Sa ESPN at ESPN+ na lang ito mapapalabas.

Hindi lang yun.

Dahil sa patung-patong na kakulangan ay baka ma-postpone ang laban.

Tinawagan natin ang kampo ni senador.

Bagama’t nasabing may mga gusot nga sa finan­ces ay matutuloy naman daw ang laban.

Ewan ko ba anong nangyari sa financiers sa Kuala Lumpur na dapat maglabas ng pera.

Sa tingin ko naman ay matutuloy ang laban.

Pangalan ni Pacquiao ang nakataya rito bilang lead promoter.

Ipangutang na kung kailangan.

Matuloy lang.

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with