^

PSN Palaro

Batang Gilas handa sa haharaping laban

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Batang Gilas handa  sa haharaping laban
Tunay na underdogs ang Pilipinas.

MANILA, Philippines — Alam ng Batang Gilas ang matinding labang haharapin nito sa 2018 FIBA Under-17 World Championship na gaganapin sa Hunyo 30 hanggang Hulyo 8 sa Rosario at Santa Fe sa Argentina.

Tunay na underdogs ang Pilipinas.

Ngunit handa nitong ibuhos ang lahat upang makasilat ng mga world-class teams na magbabakbakan para sa korona.

Nasa Group D ang Pilipinas kasama ang host Argentina, France at Croatia.

Unang makakaharap ng Pinoy squad ang Croatia sa Hunyo 30 kasunod ang France sa Hulyo 1 at ang Argentina sa Hulyo 3.

Kaya naman pinag-aralan na ng Batang Gilas ang galaw ng kanilang mga karibal.

Sa katunayan, pinanood ng buong grupo ang laro ng Croatia para makabuo ng solidong game plan.

“We actually watched again videos of Croatia. It’s passable because whatever we face there, we’ll just really want to execute correctly. We want to study our opponents and defend the way we want to defend,” wika ni coach Josh Reyes.

vuukle comment

BATANG GILAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with