Go For Gold target ang 4th win sa pagsagupa sa Marinerong Pilipino
MANILA, Philippines — Puntirya ng Go For Gold ang ikaapat na sunod na panalo sa pagharap sa Marinerong Pilipino sa pagpapatuloy ng 2018 PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Ngunit daraan sa matinding pagsubok ang Scratchers laban sa Skippers ngayong alas-3 ng hapon.
“We really have to prepare for them. It should be a good test for us. Marinerong Pilipino is a good team and a contender in this tournament,” sabi ni Scratchers head coach Charles Tiu.
Parehong galing sa panalo ang dalawang tropa.
Iginupo ng Go For Gold ang Centro Escolar University, 92-83, habang inilampaso naman ng Marinero ang Batangas, 106-64.
Aasahan ni Tiu sina dating Marinero players Gab Banal at Vince Tolentino kasama si Ron Dennison.
Handa naman si Marinero coach Koy Banal na makalaban ang kaniyang dating mga bataan.
“We have to be smart in our preparation knowing that Gab, Vince (Tolentino), and (Ron) Dennison know what we want to do. We just have to find a way to make some adjustments that they aren’t aware of,” wika ni Koy.
Hawak ng Scratchers ang liderato bitbit ang malinis na 3-0 marka habang nasa ikalawa ang Skippers na may 2-1 baraha kasalo ang Chélu Bar and Grill (2-1).
Magtutuos naman sa unang laro sa ala-una ang Che-Lu at Batangas.
Nakasakay ang Revellers sa dalawang sunod na panalo – kontra sa Marinero (88-71) at AMA Online Education (111-95).
“The more na medyo mahina ang team, the more na natatakot ako. I like to go against stronger teams kasi ang tendency ng players is pag mas mahina, we look at our opponents na medyo magaan kaya bumababa ang energy level nila. Hopefully, ma-correct namin ‘yun,” ani Revellers mentor Stevenson Tiu.
Nakalubog sa ikalimang puwesto ang Generals tangan ang 1-2 baraha.
Nais din nitong makabangon mula sa masaklap na demolisyon na tinamo sa mga kamay ng Marinero sa kanilang huling laro.
“The game was a nightmare for us. But I expect the boys to know what we need to do in the coming games,” sambit ni Batangas coach Oliver Bunyi.
- Latest