Tinamaan sa mukha ni Manny Pacquiao ang kanyang ka-sparr sa pagpapatuloy ng kanyang training sa General Santos City sa nalalapit na laban kontra kay Lucas Matthysse sa Malaysia sa Hulyo 15.
(Wendell Alinea/MP Promotions)
Crawford mataas ang respeto kay Pacman
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - June 20, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bago pa man niya maisuko ang suot na World Boxing Organization welterweight crown kay Jeff Horn noong Hulyo ng 2017 ay sinasabing pilit iniiwasan ni Manny Pacquiao si Terence Crawford.

Sinabi kahapon ni Craw­ford, ang bagong WBO welterweight ruler, na nirerespeto niya ang anu­mang desisyon ni Pacquiao na labanan ang ibang boksingero.

Ayon pa sa 30-anyos na si Crawford (33-0-0, 24 KOs), wala nang dapat pang patunayan ang 39-anyos na si Pacquiao (59-7-2, 39 KOs).

“Pacquiao earned the right to go out how he wants to go out. He had fought everybody there is to fight -when they was there to fight,” wika ni Crawford sa isang panayam ng SiriusXM Boxing Radio.

Tinalo ni Crawford si Horn (18-0-1, 12 KOs) via ninth-round TKO para agawin sa Australian fighter ang hawak nitong WBO welterweight crown noong nakaraang Linggo sa Las Vegas, Nevada.

Ang nasabing titulo ay inagaw ng 30-anyos na si Horn kay Pacquiao mula sa isang unanimous decision win noong Hulyo ng 2017 sa Brisbane, Australia.

 Sa Hulyo 15 ay hahamunin ni Pacquiao si World Boxing Association welterweight ruler Lucas Matthysse (39-4-0, 36 KOs) sa Kuala Lumpur, Malaysia.

MANNY PACQUIAO TERENCE CRAWFORD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with