^

PSN Palaro

Generals, Skippers maghihiwalay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mag-uunahan ang Batangas at Marinerong Pilipino na makuha ang ikalawang panalo sa kanilang paghaharap ngayong hapon sa 2018 PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Magtutuos ang Gene­rals at Skippers sa ala-una habang maghaharap sa ikalawang laro sa alas-3 ang Centro Escolar University at AMA Online Education.

Magkasalo sa No. 3 ang Batangas at Marinero hawak ang parehong 1-1 marka samantalang na­ngunguna ang Go For Gold na may malinis na 3-0 baraha kasunod ang Che’Lu na taglay ang 2-1 kartada.

Galing sa magkaibang resulta ang Generals at Skippers.

Ginulantang ng Batangas ang CEU, 96-90 para sumampa sa win column.

Kumuha ng lakas ang Generals kina Cedric De Joya, Clark Derige at Christian Manalo.

Ngunit madaragdagan pa ang puwersa ng Batangas dahil nasa tropa na si University of Santo Tomas shooter Clark Bautista.

Sa kabilang banda, hindi umubra ang lakas ng Marinero sa Ché’Lu para lasapin ang 71-88 kabiguan. (CCo)

vuukle comment

2018 PBA D-LEAGUE FOUNDATION CUP

BATANGAS AT MARINERONG PILIPINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with