^

PSN Palaro

Iriga nakasilip ng pag-asa sa semis

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Iriga nakasilip ng pag-asa sa semis
Na-blocked nina Macy Ubben at Angela Descalsota-Kim ng Iriga ang kill ni Jovielyn Prado ng Tacloban sa aksyong ito sa PVL.
Joey Mendoza

Laro sa Miyerkules(FilOil Flying V Center, San Juan City)

1 p.m.  Air Force  vs IEM (M)

4 p.m.  BaliPure vs Pocari (W)

6:30 p.m. Iriga-Navy vs  Banko Perlas (W)

MANILA, Philippines — Umarangkada sina imports Macy Ubben at Lauren Whyte upang ia­ngat ang Iriga City-Navy Oragons sa 25-9, 21-25, 26-28, 25-21, 15-13 pa­nalo kontra sa Tacloban Fighting Warays kahapon sa pagpapatuloy ng 2018 Premier Volleyball League Reinforced Conference sa FliOil Flying V Center sa San Juan City.

Umiskor ang Amerikanang si Whyte ng 25 puntos kabilang na ang isang ace at isang block habang ang kanyang kababayan na si Ubben ay umani rin ng 25 puntos at walo mula kay Grazielle Bombita para buhayin ang pag-asa ng Oragons na makapasok sa semis.

Ito ang unang panalo ng Oragons  sa quarterfinal round sa tatlong laro habang ang Fighting Warays ay nakalasap ng kanilang ikatlong sunod na talo.

Ito na rin ang paghihiganti nina Ubben at Whyte sa kanilang straight sets na talo 20-25, 22-25, 25-27, sa mga kamay ng Figh­ting Warays sa elimination round noong Mayo 30.

Umarangkada agad sina Whyte at Ubben para sa madaling panalo sa unang set, 25-9.

Pero, bumawi naman ang Fighting Warays sa kanilang 12 atake, tatlong blocks at dalawang aces para maitabla ang laro at sinundan pa ng 28-26 panalo sa ikatlong set para umabante sa 2-1.

“Marami kaming laro na di kami nanalo kaya uhaw talaga ‘yung team sa panalo. Kung ito na ang last two games namin, kailangang lumaban kami hanggang sa huli para mabawi namin ‘yung mga laro naming natatalo,” sabi ni Iriga coach Egay Rusit.

vuukle comment

2018 PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE REINFORCED CONFERENCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with