Red Lions dale ang No. 2
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - June 16, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inilampaso ng defen­ding champion San Beda University ang Emilio Aguinaldo College, 75-48  para masiguro ang No. 2 seed sa Group A ng 12th FilOil Flying V Preseason Cup kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Bumandera para sa Red Lions si Kenmark Carino na umiskor ng 11 puntos sa siyam na minutong paglalaro, samantalang nag­dagdag si Toba Eugene ng double-double na 10 points at 11 rebounds.

Dahil sa panalo, uma­ngat ang San Beda sa ika­lawang puwesto tangan ang 7-2 baraha kasalo ang De La Salle University na may katulad na marka.

Subalit opisyal na nakuha ng Bedans ang se­cond seeding dahil sa panalo nito sa Green Archers, 72-70 noong Hunyo 4.

Nagawang maitarak ng Red Lions ang 30 puntos na kalamangan, 57-27, ma­tapos magpasabog ng 11-2 run sa ikatlong kanto.

Mula rito ay hindi na lu­mingon pa ang Mendiola-based squad para tuluyang pasukuin ang Generals.

Tinapos ng Generals ang kampanya nito nang walang panalo sa siyam na laro.

Sa unang laro, maganda ang exit ng University of Santo Tomas nang igupo  ang Arellano University, 82-73.

12TH FILOIL FLYING V PRESEASON CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with