Reyes matikas pa ang tumbok, kampeon sa 8-Ball Classic
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - June 15, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Wala pa ring kupas si dating world champion Efren ‘”Bata” Reyes nang angkinin nito ang kam­peonato sa 3rd Annual 8-Ball Classic na ginanap sa The Break Room sa Duluth, Minnesota.

Inilabas ni Reyes ang kanyang mahika para ma­tikas na tapusin ang kanyang kampanya na undefeated.

Pinataob ni Reyes si American cue master Dennis Hatch sa championship round kung saan naitala nito ang pahirapang 15-13 desisyon para maibulsa ang $8,000 premyo.

Nagpalitan ng racks ang dalawang matikas na players ngunit nagsimulang lumayo si Reyes nang kunin nito ang 9-4 bentahe.

Nagawang makalapit ni Hatch nang idikit nito ang iskor sa 11-9.

Gamit ang malulupit na breaks at swabeng ball placement, muling umabante si Reyes tangan ang 14-9 kalamangan.

Hindi nawalan ng pag-asa si Hatch nang kubrahin nito ang apat na sumunod na racks para muli itong lumapit sa 13-14.

Subalit isang dry break sa 28th rack ang tumapos sa pag-asa ni Hatch.

Agad itong sinamantala ni Reyes para tuluyang angkinin ang panalo.

Kasama sa mga tinalo ni Reyes sina Danny Olson sa first round (15-7), Vince Chambers sa second round (15-13), Alex Pagulayan sa quarterfinals (15-11) at Hatch sa semifinals ng winners’ bracket (15-11).

Sa kabilang banda, nakabalik sa finals si Hatch nang magtala ito ng sunud-sunod na panalo sa losers’ bracket para maisaayos ang pakikipagtipan kay Reyes sa finals.

Tinalo ni Hatch sina Sergio Rivas (15-11), Shan Van Boening (15-12), Corey Duel (15-11) at Jayson Klatt (15-11).

3RD ANNUAL 8-BALL CLASSIC EFREN ‘”BATA” REYES
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with