Supalpal ang inabot ni Jordan Sta. Ana ng Che’Lu Bar kay Ken Soriano ng AMA Online.
(PBA Image)
Scratchers ‘di natibag sa unahan
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - June 15, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Makinang pa rin ang Go For Gold nang payukuin nito ang Centro Escolar University, 92-83 upang mapatatag ang kapit sa solong pamumuno sa 2018 PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Tuloy ang mainit na ratsada ni Gab Banal nang umiskor ito ng double-double na 21 puntos at 10 rebounds kasama pa ang tatlong assists at dalawang blocks para pamunuan ang Scratchers na mai­kabit ang ikatlong sunod na panalo.

Naramdaman din ang lakas ni Vince Tolentino na umariba ng 20 puntos, anim na assists at limang boards.

“He’s (Tolentino) r­eally a smart player. He has great feel for the game and he does a lot of good things for the team. We just maximized his skillset,” pahayag ni Go For Gold head coach Charles Tiu.

Nahulog ang Scorpions sa 1-2 baraha.

Sa unang laro, unti-unti nang inilalabas ng Che’Lu Bar and Grill ang pangil nito matapos sakmalin ang AMA Online Education, 111-95 para masungkit ang kanilang ikalawang panalo sa tatlong laro.

Maganda na ang che­mistry ng Revellers kung saan anim na manlalaro nito ang nagtala ng double digits sa pangunguna ni Chris Bitoon na may 23 points, pitong boards, limang assists at tatlong steals.

Nagrehistro naman si Jessie Collado ng 19 points at apat na rebounds samantalang gumawa sina Jason Melano ng 18 points, anim na assists at apat na boards, Jay-R Taganas ng 13 points at 13 rebounds at Jeff Viernes ng 12.

Wala pa ring panalo ang Titans sa tatlong pagsalang.

2018 PBA D-LEAGUE FOUNDATION CUP CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with