Pacquiao: Bawal ang import sa MPBL
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - June 15, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi papayagan ni Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) founder Sen. Manny Pacquiao ang 26  koponan na magkaroon ng import para sa liga.

Sinabi ni boxing icon Pacquiao na ang home and away league ay para lamang sa mga homegrown talents kaya bawal ang import sa MPBL sa ngayon.

“Wala munang  imports. Kasi nasasapawan ang mga Pilipino talents natin. Sa ngayon marami na ang nakapaglaro ulit dahil sa MPBL. Actually, nagkaubusan na nga ng players dahil sa MPBL,” sabi ni Pacquiao.

Para naman kay MPBL commissioner Kenneth Duremdes na sa paningin nila ang liga ay itinayo para ma­bigyan ng pagkakataon ang mga homegrown talents na maipakita ang kanilang husay.

Samantala,  pinatumba ng Anta Rajah Cup champion Batangas Athletics ang  Quezon City Capitals, 95-90 habang nagwagi naman ang Caloocan Supremos laban sa baguhang Pasig Pirates, 91-81 sa pagpapatuloy ng 2018 Maharlika Pilipinas Basketball League Anta Datu Cup noong Miyerkules ng gabi sa Caloocan City Sports Complex.

Umiskor si Mar Villahermosa ng 18 puntos, anim na rebounds at tatlong assists para pangunahan ang Caloocan sa 1-0 card.

MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with