Red Lions nilapa ang huling quarterfinals seat
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - June 13, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinataob ng reigning champion na San Beda ang Mapua, 95-60, upang angkinin ang huling tiket sa quarterfinals sa Group A ng 12th FilOil Flying V Preseason Cup ka­hapon sa The Arena sa San Juan City.

Umani ng 20 puntos si Javee Mocon sa 21 minutong paglalaro para tulungan ang Red Lions na makuha ang ikaanim na panalo sa walong laro.

Kaagad na rumesponde si Mocon kasama sina Donald Tankoua, Evan Nelle at Calvin Oftana para maapula ang atake ng Cardinals at kunin ng 35-27 bentahe.

Nagdagdag naman si Toba Eugene ng 14 points at anim na rebounds, samanta­lang kumolekta si Clint Doliguez ng 10 points at pitong boards.

Nanguna para sa Cardinals, nagtapos sa 4-5 marka, si Pelayo hawak ang 14 puntos at pitong rebounds kasunod ang tig-9 nina Warren Bonifacio at Laurenz Victoria.

Makakasama ng San Beda sa quarterfinals ang Ateneo de Manila University, De La Salle University at University of the Philippines.

12TH FILOIL FLYING V PRESEASON CUP SAN BEDA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with