Crawford umiskor ng 9th TKO win para agawin kay Horn ang WBO crown
(Pilipino Star Ngayon) - June 11, 2018 - 12:00am

LAS VEGAS – Sa ka­nilang naunang press conference noong Huwebes ay sinabi ni American Te­rence Crawford kay Australian Jeff Horn na hindi siya si Manny Pacquiao.

Binugbog ni Crawford (33-0-0, 24 KOs) si Horn (18-1-1, 12 KOs) patungo sa kanyang ninth-round TKO victory kahapon sa MGM Grand Garden Are­na.

Inagaw ni Crawford ang suot na World Boxing Organization welterweight crown ni Horn na kanyang hinubad kay Pacquiao no­ong Hulyo ng 2017 sa Bris­bane, Australia.

Itinigil ni referee Robert Byrd ang laban sa 2:33 mi­nuto sa ninth round kung saan nirapido nang husto ng 30-anyos na si Crawford ang 30-anyos ding si Horn.

“Like I said before, I was the stronger guy,” wika ni Craw­ford, naikonekta ang 48 percent ng kanyang po­wer shots, ayon sa CompuBox, kay Horn. “He did eve­rything we expected him to do. He came in there with the in­tentions of roughing me up and getting ag­­gressive. But the thing he didn’t un­der­stand was how strong I was. I think they underestimated me a little bit.”

Nauna nang pinabagsak ni Crawford si Horn sa round nine mula sa kanyang overhead left hand.

Ngunit tumayo at lumaban pa rin si Horn bago siya sinagip ni Byrd mula sa anumang pambubugbog ni Crawford.

“I’m stronger than him. I just had to get in the ring and prove it. You saw what I did in there. Now I want all the champions at welterweight,” ani Crawford.

Umakyat si Crawford sa 147 pounds para sa kan­­yang welterweight debut at hamunin si Horn.

Isang araw bago ang na­­turang laban ay nagka­problema sa timbang si Horn na may bigat na 148 pounds sa una niyang pag­timbang sa weigh-in noong Biyernes.

“He was strong,” wika ni Horn sa bagong WBO king na si Crawford. “He was fine. He didn’t seem like a smaller guy, that’s for sure. We weighed the same thing.”

MANNY PACQUIAO TE­RENCE CRAWFORD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with