Adamson, St. Benilde asam ang quarterfinals
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - June 8, 2018 - 12:00am

Laro ngayon (The Arena)

12:30 CSB vs Letran

2:15 SBC vs Perpetual

4:30 Ateneo vs Mapua

6:30 Adamson vs SSC

MANILA, Philippines — Sisikapin ng College of St. Benilde at  Adamson University na makahirit ng puwesto sa quarterfinals sa pakikpagtipan sa magkaibang karibal ngayong araw sa pagpapatuloy ng 12th FilOil Flying V Preseason Cup sa The Arena sa San Juan City.

Makakasagupa ng Benilde ang Colegio de San Juan de Letran sa alas-12:30 ng tanghali habang lalarga ang Adamson kontra sa San Sebastian College-Recoletos sa alas-6:30 ng gabi.

Magkasalo sa No. 2 spot sa Group B ang Bla­zers at Soaring Falcons tangan ang parehong 5-1 baraha. Nauna nang nakahirit ng tiket sa quarters ang Far Eastern University na may hawak na 6-1 marka.

Nais ng Benilde na makabalik sa porma matapos lumasap ng 60-80 kabiguan sa kamay ng Adam­son na siyang naging dahilan para mabahiran ang kanilang rekord.

Subalit makakaharap nito ang Letran na galing sa back-to-back wins kontra sa San Sebastian (81-73) at Jose Rizal University (94-71) para mapaganda ang kanilang marka sa 4-2.

Sa kabilang banda, nakasakay ang Soaring Falcons sa three-game winning streak.

Ngunit handa ang Baste na gawin ang lahat upang pigilan ang ma­gandang inilalaro ng A­damson at manatiling bu­hay ang kanilang pag-asang makapasok sa quarterfinals.

Hawak ng Stags ang 3-3 marka kung saan kailangan nitong maipanalo ang kanilang mga nala­labing laro para mapalakas ang kanilang tsansa.

Masisilayan din ang duwelo ng UAAP champion  Ateneo (7-0) at Mapua (4-3) sa alas-4:30 gayundin ang bakbakan ng NCAA titlist San Beda University (3-2) at University of Perpetual Help System Dalta (1-6) sa alas-2:15.

12TH FILOIL FLYING V PRESEASON CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with