Sinabayan si Manny Pacquiao ng kanyang kababayan habang nagdya-jogging sa Barangay Tinoto, Maasim, Sarangani.
(@Wendel Alinea/MP Promotion)
Tiket sa laban nina Pacquiao-Matthysse may kamahalan
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - June 5, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Medyo mahal ang ticket, pero inaasahan pa ring dadagsain ng mga boxing fans ang laban nina WBA welterweight champion Lucas Matthysse ng Argentina at boxing icon Manny Pacquiao sa darating na Hulyo 15 sa 16,000-seater Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Bagama’t  tinanggal na ni bagong Malaysian Prime Mi­nister Tun Dr. Mahathir bin Mohamad ang six percent na dating goods and service tax (GST), umabot pa rin sa $5,000, $2,000, $1,000, $500, $350, $250 at $125 ang presyo ng mga tickets.

Bubuksan na simula bukas (Hulyo 6) ang pagbebenta ng tickets sa Axiata Arena at sa online kung saan ang website ay https://myticket.asia, ang Axiata Arena’s online ticketing, office ang eksklusibong  ticket seller.

Ito na ang pinakamalaking boxing event sa Malaysia sa loob ng 43 na taon simula ng maglaban sina Muhammad Ali at Joe Bugner noong 1975 kaya inabangan na ng lahat ang Pacquiao-Matthysse bout.

“I am excited. The fans are excited. Malaysia is ready. Let’s get on with this fight,” sabi ni Pacquiao na nagkaroon na ng maraming sparring rounds bilang paghahanda sa WBA world championship fight.

Bukod sa Pacquiao-Matthysse title fight, inaasahang tampok din ang tatlo pang ibang championship fights na paglalabanan ng mga mabibigat na boksingero mula South Africa, Thailand, China, Pakistan, Australia, Japan, Mexico, India at Malaysia.

“There is already a mad dash for tickets,” ayon naman kay  MP Promotions media officer Winchell Campos. 

Samantala, sinimulan na rin ni  Sen. Pacquiao ang aktibong serbisyo sa military na kinakailangan sa kanyang promosyon bilang one star general ng Philippine Army reserve force.

Matapos makumpleto ang kanyang General Staff Course (GSC) nakuha agad ni Pacquiao ang kanyang promosyon bilang full-pledged colonel kamakailan lamang.

Si Pangulong Rodrigo Duterte mismo ang nagbigay ng pin kay Pacquiao bilang Colonel sa simpleng sere­monya na ginanap sa Malacañang.

Ang aktibong serbisyo sa military ay kailangan para makuha ng dating Sarangani Rep. na si Pacquiao  ang ranggong Brigadier General ng Philippine Army.  

LUCAS MATTHYSSE WBA WELTERWEIGHT CHAMPION
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with