Sina Gov. Chavit Singson at Micaela Jasmine Mojdeh.
Cris Co
Gov. Singson suportado si Mojdeh
(Pilipino Star Ngayon) - May 28, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maning­ning ang ka­mpanya ni Philippine Swimming League (PSL) standout Micaela Jasmine Mojdeh sa nakalipas na 2018 Pala­rong Pambansa sa Vigan, Ilocos Sur.

Umani ito ng anim na ginto at isang pilak tampok ang dalawang record-breaking performance upang tanghaling Most Bemedalled Athlete sa girls’ elementary division.

Winasak ni Mojdeh ang rekord sa 100m butterfly tangan ang 1:06.1 na siyang bumura sa lumang marka na 1:06.9 ni Camille Buico kasunod ang pagbura sa 200m individual medley bitbit ang 2:33.12 para tabunan ang 2:33.71 ni Raven Faith Alcoseba.

Namayagpag din si Mojdeh sa 100m breaststroke at 50m butterfly at naging bahagi ito ng National Capital Region team na nanguna sa 4x100m medley relay at 4x50m medley relay. Galing ang pilak sa 50m breaststroke.

Dahil sa kanyang tagumpay, umani si Mojdeh ng kaliwa’t kanang papuri kabilang na si Gov. Chavit Singson kilalang sumusuporta sa iba’t ibang atletang Pinoy gaya ni eight-division world champion Manny Pacquiao.

Sa katunayan, binigyan ni Singson ng P50,000 pabuya si Mojdeh dahil sa kanyang tagumpay sa Palarong Pambansa.

“We and the PSL are the only ones supporting her. We fund her participation in competitions abroad. And we are thankful that Gov. Chavit Singson is there to support her as well,” wika ni  Joan Mojdeh – ang ina ni Micaela Jasmine.

Nangako si Singson na susuportahan nito si Mojdeh partikular na sa tangka nitong makasungkit ng medalya sa prestihiyosong Olympic Games. (CCo)

MICAELA JASMINE MOJDEH PHILIPPINE SWIMMING LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with