^

PSN Palaro

Ancajas-Sultan: Bakbakan na!

Virgi T. Romano - Pilipino Star Ngayon
Ancajas-Sultan: Bakbakan na!
Nag-pose sina Jerwin Ancajas at Jonas Sultan matapos ang official weigh-in kahapon sa Save Mart Center sa Fresno, California.
Top Rank

FRESNO, California — Isa lang ang sigurado sa magaganap na IBF superflyweight championship sa pagitan nina champion Jerwin “Pretty Boy” Ancajas at challenger Jonas Sultan - - ito ay ang pananatili ng korona sa kamay ng Pinoy.

Ito ang ikalimang title defense ni Ancajas, kung saan tatangkain niyang muling makapagtala ng TKO win sa sagupaang gaganapin sa Save Mart Center dito.

Sa kanyang huling tatlong depensa, pawang TKO win ang iniskor ng 26-anyos na kampeon mula sa Panabo, Davao del Norte - - laban kina Teiru Kinoshita ng Japan (7th round), Jamie Conlan ng UK (6th round) at Israel Gonzales ng Mexico (10th round).

“(Knockout) Tingnan po natin, pero bonus na po ‘yun pag naka-knockout ang boxer. Basta po ibuhos ko lang ang lahat ng makakaya ko,” lahad ni Ancajas kamakailan.

Sa official weigh-in noong Biyernes sa Tioga Sequioa Brewing Company, si Ancajas ay tumimbang ng 114.8 lbs. habang 114.4 naman si Sultan.

“Handa na po. Excited din na natupad na ang pa­ngarap ko, ang championship fight. Gawin ko lang lahat ng ginawa namin sa training,” sambit naman ni Sultan (14-3 win-loss).

Memorable ang 12-round na bakbakang ito, hindi lamang para kina Ancajas at Sultan, kundi sa Pilipinas.  Dahil matapos ang 93 taon ay muling naulit na all-Pinoy ang magsasagupa sa isang championship match, na unang ginawa nina boxing legend Pancho Villa at Clever Sencio noong 1925 sa Manila.

vuukle comment

ANCAJAS-SULTAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with