^

PSN Palaro

High Flyers nais masolo ang itaas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipagpapatuloy ng PayMaya ang magandang ratsada nito sa pagharap sa BanKo-Perlas ngayong hapon sa pagpapatuloy ng Premier Volleyball League Reinforced Conference sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

Lalarga ang bakbakan ng High Flyers at Perlas Spikers sa alas-4 habang sasagupain naman ng Petro Gazz ang Iriga-Navy sa alas-2.

Puntirya ng High Flyers na makuha ang ikaapat na panalo at masolo ang itaas.

Nasa three-way tie ang PayMaya sa No. 1 spot kasama ang Creamline at BaliPure-NU tangan ang pare-parehong 3-1 marka.

Nakasakay ang High Flyers sa 25-23, 22-25, 25-20, 25-23 panalo sa Lady Oragons noong nakaraang linggo.

Bumandera sa natu­rang panalo si American import Tess Nicole Rountree na umiskor ng 24 puntos habang suportado ito nina Shelby Sullivan at Aiko Urdas na may tig-11 markers.

Nagbigay din ng kontribusyon sina FEU standouts Jerilli Malabanan at Celine Domingo na para­ting nakahanda sa oras na hugutin ang mga ito sa bench ni PayMaya mentor Roger Gorayeb.

Subalit mag-iingat ang High Flyers dahil gigil na makabalik sa porma ang Perlas Spikers na may four-game losing skid.

Huling nakatikim ng kabiguan ang BanKo noong Miyerkules nang magtamo ito ng 22-25, 22-25, 25-22, 30-32 desisyon sa batang koponan ng BaliPure-NU para mahulog sa 1-4 baraha.

Sa men’s division, magtatagpo ang PLDT (1-2) at Philippine Army (1-2) sa alas-10 ng umaga. (CCo)

vuukle comment

PAYMAYA

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with