Letran sinibak ang JRU

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - May 26, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matikas na rumesbak ang Colegio de San Juan de Letran nang bombahin nito ang Jose Rizal University, 94-71 kahapon sa 12th FilOil Flying V Preseason Cup sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Nagtulong sina JP Calvo at Bong Quinto para hatakin ang Knights sa 3-2 rekord sa Group B.

Bumawi ang Letran nang lumasap ito ng dikit na 80-83 kabiguan sa Adamson University.

“We performed better. Their effort, discipline and aggressiveness were there. For a coach, you cannot ask for more. They gave their best,” ani Letran mentor Jeff Napa.

Kumana si Calvo ng 18 puntos kabilang ang 11 sa second half samantalang nagdagdag naman si Quinto ng 17 markers gayundin si Jerrick Balanza na may 11 points.

Tuluyan nang namaalam sa kontensiyon ang Heavy Bombers na umani ng ikaanim na sunod na kabiguan.

Nawalan ng saysay ang 17 puntos ni Darius Estrella at pinagsamang 21 puntos nina Jed Mendoza at Karl Bordon para sa Jose Rizal.

Nakapaglista ang Knights 24 puntos mula sa 12 steals kasama pa ang 16 puntos galing naman sa 21 turnovers ng Heavy Bombers.

Sa juniors division, nakumpleto ng National University ang sweep sa eliminasyon matapos igupo ang Letran, 76-66, para sa 3-0 rekord.

COLEGIO DE SAN JUAN DE LETRAN FILOIL FLYING V PRESEASON CUP JOSE RIZAL UNIVERSITY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with