^

PSN Showbiz

Pacman masusubukang mamuhunan sa sariling laban

Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Pacman masusubukang mamuhunan sa sariling laban
Pacman

MANILA, Philippines — Nagsanib-puwersa ang limang TV network sa coverage ng World Welterwight Championship na laban nina Sen. Manny Pacquiao at ng Argentinian boxer na si Lucas Matthysse.

Gaganapin ang laban sa July 15, sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia, at first time itong si Sen. Pacquiao na mismo ang nag-promote ng sarili niyang laban na wala ang Top Rank.

Bilang suporta kay Pacman, magsama-sama ang ABS-CBN 2, GMA 7, TV 5, Cignal TV at Sky Cable para sa coverage nito.

Sa pangangasiwa ni Arnold Vegafria na Head of Sales and Marketing ng MP Promotions, nagpirmahan na ng kontrata kahapon sa Annabel’s Restaurant ang limang networks para sa first project ng ating Pambansang Kamao.

Malaking challenge daw ito kay Sen. Pacquiao dahil galing nga siya sa huling laban na natalo siya kaya kailangang mapanalo niya ito ngayon at mapatunayang kaya niyang mag-promote ng ganitong laban.

Parang nung nabuntis lang, Cristine biglang nabibingi tungkol sa mister

Nung hindi pa inamin ni Cristine Reyes na buntis siya, tinalikuran niya ang mga reporter na nagtanong kung totoong buntis ba ito.

Ngayon namang may isyu siyang hiwalay na raw sila ng asawa niyang si Ali Kathibi, dedma uli si Cristine sa mga humihingi ng sagot sa isyung iyun.

Nakorner ang aktres sa awarding ng Guillermo Mendoza Memorial Foundation Awards nung nakaraang Linggo, hinihingan siya ng statement tungkol sa isyu nila ni Ali, pero tumalikod lang ito.

Kahit nga ilang taong malapit sa kanya ay wala ring alam kung ano ba talaga ang problema ng mag-asawa.

Pero nasa social media account pa rin ni Cristine, gamit niya ang apelyidong Kathibi.

Naka-nega sa showing ng pelikula, Atom kinagalitan ng direktor!

Hindi gaanong maganda ang box-office results ng pelikulang Citizen Jake at So Connected na nagsimula nung nakaraang Miyerkules.

Mababa talaga ang first day earnings dahil mas pinanood ng mga tao ang Solo: Star Wars Story. Pero kahit nga itong Solo ay hindi rin umabot sa mataas na expectations ng karamihan.

Maaaring sinaid talaga ng Avengers ang perang pampanood sana ng mga susunod pang sineng ipalalabas.

Ang inaasahan lang ay maging masigasig ang mga supporter nina Janella Salvador at Jameson Blake na magpa-block screening o i-promote pa nang todo para tumaas ito sa darating na weekend.

Ganundin ang Citizen Jake na todo rin ang promo ng mga aktibista. Sana mas marami pang supporters si Atom Araullo na magpa-block screening para madagdagan pa ng lakas sa takilya.

Dapat kasi ma-maintain ang magandang box-office performance para hindi na mapunta sa Solo ang mga sinehan.

Si Mother Lily Monteverde naman ay tuwang-tuwa sa magagandang feedback na mas bagay daw sina Janella at Jameson. Natuwa si Mother kay Jameson na maganda ang rehistro sa screen at marunong pang umarte. Kaya inaasahang more movies pa ng Regal para kay Jameson.

Pero naghasik naman ng kanegahan ang direktor ng CJ na si direk Mike de Leon sa negative comment niya kay Atom na ipinost sa kanilang Facebook account.

Ang nalaman lang namin, mababaw lang ang dahilan kung bakit ito nagtampo sa lead actor niya ng Citizen Jake, pero kung anu-ano na ang ipinu-post nito laban sa journalist.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with