La Salle tangka ang solong liderato
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - May 25, 2018 - 12:00am

Laro Ngayon(FilOil Flying V Center

12:30 p.m. Letran vs JRU

2:15 p.m. Adamson vs Arellano

4:30 p.m. La Salle vs UE

6:30 p.m. FEU vs UST

MANILA, Philippines — Masolo ang liderato sa Group A ang tatangkain ng De La Salle University sa pagharap nito sa University of the East  ngayong  ha­pon sa pagpapatuloy ng 12th FilOil Flying V Preseason Cup sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Nakatakda ang bakbakan ng Green Archers at mapanganib na Red Warriors sa alas-4:30 habang lalarga rin ang duwelo ng Far Eastern University at University of Santo Tomas sa alas-6:30 ng gabi.

Masisilayan din sa u­nang laro ang Colegio de San Juan de Letran at Jose Rizal University sa alas-12:30 ng tanghali kasunod ang laban ng Adamson University at Arellano University sa alas-2:15.

Nakatali sa three-way tie sa unahan ang La Salle, reigning UAAP champion Ateneo de Manila University at Mapua University hawak ang pare-parehong 4-0 baraha.

Subalit dalawang linggo ring napahinga ang La Salle kung saan nailista nito ang 83-51 panalo laban sa Emilio Aguinaldo College may 14 araw na ang nakalilipas.

Sa kabilang banda, nais naman ng Red Warriors na makabawi sa dikit na 60-63 kabiguan sa Gilas Cadets noong Martes.

Nasa ikapito ang Red Warriors tangan ang 1-2 marka.

12TH FILOIL FLYING V PRESEASON CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with