^

PSN Palaro

Lady Warriors hiniya ang Oragons

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas (Filoil Flying V Center)

10 a.m. PLDT vs Army (M)

2 p.m. PetroGazz vs Iriga-Navy (W)

4 p.m.  BanKo-Perlas vs PayMaya (W)

MANILA, Philippines — Nakabalik sa porma ang nagdedepensang Pocari-Air Force nang palugmukin nito ang Iriga-Navy sa bendisyon ng 25-8, 23-25, 25-18, 25-16 desis­yon sa Premier Volleyball League Reinforced Conference noong Miyerkules ng gabi sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

Nagtulong sina American import Arielle Love at middle blocker Jeanette Panaga sa paglatag ng solidong depensa sa net kung saan nagtala ang dalawa ng pinagsamang pitong blocks.

Ang panalo ang nagsilbing pambawi ng Lady Warriors na lumasap ng 15-25, 25-27, 25-17, 19-25 kabiguan sa Creamline Cool Smashers sa Batangas noong Linggo.

Umangat ang Lady Warriors sa 2-2 para samahan ang Tacloban sa ikaapat na puwesto.

Magkakasama sa unahan ang Creamline, PayMaya at BaliPure-NU taglay ang magkakatulad na 3-1 baraha.

Dinomina ng Lady Warriors ang attack line nang magpako ito ng 51 hits kumpara sa 35 lamang ng Iriga-Navy.

Nanguna para sa Iriga-Navy sina American reinforcements Macy Ubben at Lauren Whyte na may tig-15 puntos subalit bigong makakuha ng suporta mula sa local players dahilan para mahulog ang kanilang tropa sa 1-2.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE REINFORCED CONFERENCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with