^

PSN Palaro

BaliPure sosyo sa itaas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Laro sa Sabado(The Arena)

2pm Petro Gazz vs Iriga

4pm BanKo vs PayMaya

MANILA, Philippines — Isang malamig na 25-22, 25-22, 22-25, 32-30 desisyon ang ibinuhos ng BaliPure-National University laban sa BanKo-Perlas upang sumosyo sa lide­rato sa Premier Volleyball League Season 2 Reinforced Conference kagabi sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

Nakakuha ng dala­wang krusyal na puntos ang Water Defenders mula kay open hitter Princess Robles para tuldukan ang paghahabol ng Perlas Spikers.

Inangkin ng BaliPure ang ikatlong panalo sa apat na laro para samahan sa unahan ng standings ang Creamline at PayMaya na may parehong 3-1 baraha.

Nakaporma na ang Perlas Spikers sa tangkang maipuwersa ang deciding fifth set matapos kapitan ang 16-14 kalamangan sa ikaapat na kanto.

Agad itong binura ng Water Defenders tampok ang solidong block ni reinforcement Janisa Johnson kay BanKo import Jutarat Montripila para maitabla ang laban sa 16-all.

Mula rito, 14 beses nagtabla ang laban na umabot sa 30-all.

Isang atake ni Robles ang lumusot sa depensa ng Perlas Spikers na sinundan nito ng ace para tuluyang kubrahin ng Water Defen­ders ang panalo.

Lalo pang nalugmok ang Perlas Spikers sa ilalim ng standings bitbit ang 1-4 marka.

Sa men’s division, iginupo ng Vice Co ang Instituto Estetico Manila, 28-30, 25-21, 25-23, 25-16 para umangat sa unahan.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE SEASON 2 REINFORCED CONFERENCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with