^

PSN Palaro

SEAG champion ‘di uli nakaporma kay Chicano

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

CEBU CITY, Philippines — Sa ikalawang sunod na pagkaka­taon ay inungusan ni John Chicano ng Zambales ang back-to-back Southeast Asian Games champion, habang tig-limang gold medal ang inangkin ng dalawang tankers ng Sta. Rosa, Laguna at General Santos City sa 2018 Phi­lippine National Games kahapon dito.

Inangkin ni Chicano ang gintong medalya sa men’s triathlon matapos magtala ng oras na 1:01.03 para silatin si Nikko Huelgas (1:01.35) sa 750m swim, 20km bike at 5k run o kalahati sa standard Olympic distance sa Danao City.

“Masaya ako na tinalo ko ulit si Nikko,” sabi ng 26-anyos na si Chicano, pumuwesto sa No. 29 habang No. 33 si Huelgas sa nakaraang ASTC Triahtlon Asian Cup sa Subic Bay noong Abril.

Sina Chicano at Huelgas ay sasabak sa darating na 2018 Asian Games sa Palembang at Jakarta, Indonesia sa Agosto.

Sa women’s division, inangkin ni Fil-Am Kim Kilgrove ang gold medal sa kanyang oras na 1:09:56 kasunod sina Una Saba­yan (1:21:56) ng Muntinlupa at Rue Reinhadt Panibon (1:23:36) ng Cebu City.

Hindi naman lumahok sina 2017 SEA Games gold medalist Kim Mangrobang, sasabak sa World Cup sa Portugal at silver medal winner Claire Adorna, may injury.

Sa swimming, kapwa nagtala ng limang gintong medalya sina Nicole Meah Pamintuan ng Sta. Rosa, Laguna at Russel Owen La Torre ng General Santos City sa kani-kanilang event.

Kumolekta ng gold ang 18-anyos na si Pamintuan, incoming Grade 12 student sa La Salle-Taft, sa girls’ 100-meter backstroke (1:09.81), 50m backstroke (32.64), 100m freestyle (1:02.12), 200m Individual Medley at 200m freestyle (2:15.69).

Itinubog naman ng 17-anyos na si La Torre ang mga ginto sa boys’ 100m freestyle (57.87), 1,500m freestyle (18:21.03), 400m freestyle (4:28.49), 200m freestyle (2:05.64) at 200m butterfly (2:29.15).

Kumolekta naman ng tig-apat sina David Franco Dela Rosa ng Las Piñas City sa boys’ 50m butterfly (24.44), 50m backstroke (28.79), 200 IM (2:23.60) at 50m freestyle (25.12) at Samuel John Alcos ng Davao City.

vuukle comment

2018 PHI­LIPPINE NATIONAL GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with