^

PSN Palaro

Leyno wagi ng MOS sa HK meet

Pilipino Star Ngayon
Leyno wagi ng MOS sa HK meet

MANILA, Philippines — Nakasiguro pa ang Phi­lippine Swimming League (PSL) tankers ng isang ginto at dalawang tansong medalya sa pagtatapos ng 2018 Stingrays Invitational Swimming Championships na ginanap sa Hong Kong International School swimming pool sa Tai Tam, Hong Kong.

Muling umariba si Chris­tian Leyno nang mamayagpag ito sa boys’ 13-14 100m butterfly sa pamamagitan ng isang minuto at 2.72 segundo para angkinin ang kanyang ikalawang gintong medalya sa torneo.

Nauna nang kumana ng ginto si Leyno sa 200m butterfly matapos magtala ng dalawang minuto at 23.80 segundo sa unang araw ng kumpetisyon.

Nagdagdag pa ng tanso si Leyno sa 200m individual medley tangan ang dalawang minuto at 28.70 segundo gayundin sa 50m freestyle kung saan nagsumite ito ng 26.73 segundo.

Dahil sa kanyang dalawang ginto at dalawang tanso, itinanghal si Leyno bilang Most Outstanding Swimmer sa kanyang age-band.

Sa kabuuan, umani ang PSL ng dalawang ginto at tatlong tanso.

Nakuha ni Legazpi City pride Trump Christian L­uistro ang isa pang tanso sa boys’ 10-12 200m butterfly matapos maglagak ng tatlong minuto at 10.11 segundo.

‘We’re proud of these young swimmers for putting up a good fight against strong tankers from the region. It’s a good exposure for them and we’re hoping to bring them in other part of the world to further hone their skills,” ani PSL president Susan Papa. (CCo)

vuukle comment

2018 STINGRAYS INVITATIONAL SWIMMING CHAMPIONSHIPS

CHRIS­TIAN LEYNO

PHI­LIPPINE SWIMMING LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with