^

PSN Palaro

Pamintuan nagparamdam agad

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Pamintuan nagparamdam agad
Tatlong ginto agad ang nilangoy ni Nicole Meah Pamintuan ng Sta. Rosa Laguna team sa pagsisimula ng swimming event ng PNG.
Jun Mendoza

CEBU CITY, Philippines — Kaagad pumagitna ang dalawang batang swimmers  habang muling ipinakita ng isang veteran long distance queen ang kanyang dominasyon sa athletics.

Lumangoy ng tatlong gintong medalya ang 18-anyos na si Nicole Meah Pamintuan ng Sta. Rosa, Laguna habang dalawa ang inangkin ng 17-anyos na si Camilo Russel La Torre ng General Santos City sa swimming event ng 2018 Philippine National Games kahapon dito sa Cebu City Sports Complex.

Bagama’t nagkaroon ng gastritis apat na araw na ang nakakalipas ay kinopo pa rin ni Pamintuan ang mga gold medals sa girls’ 16 years old 50-meter backstroke (32.64), 100m freestyle (1:02.12) at 200m Individual Medley.

“Isinugod ako sa ER (emergency room) at talagang nagsusuka ako. Sabi lang ng parents ko just do my best,” wika ng Grade 12 student ng De La Salle-Zobel. “Inom lang ako ng inom ng tubig para hindi ako ma-dehydrate.”

Bago sumabak sa 2018 PNG ay nagtala muna si Pamintuan ng 7-of-7 sweep sa kanyang mga events sa nakaraang Philippine National Age-Group Championship sa Rizal Memorial Swimming Pool.

Nakatakda pang su­malang si Pamintuan sa 100m backstroke at 200m freestyle.

Bitin naman sa oras ng kanyang pagtulog si La Torre ngunit nakuha pa ring angkinin ang mga ginto sa boys’ 16 yrs old 100m freestyle (57.87) at 1,500m freestyle (18:21.03).

“Ilang oras lang po ako nakatulog kasi Saturday evening lang kami duma­ting dito from GenSan tapos hindi pa ako kaagad nakapagpa-register dahil dumating si President Duterte,” ani La Torre, mag-aaral sa University of Perpetual Help Dalta System.

Ang iba pang nagwagi ng gold medal sa kanilang mga events ay sina David Franco Dela Rosa ng Las Piñas sa boys’ 16 yrs old 200m IM (2:23.60) at 50m backstroke (28.79) at Kelsey Claire Jaudian ng GenSan sa girls’ 16 yrs old 800m freestyle (10:26.07).

Sa athletics, naglista naman ang 38-anyos na si Christabel Martes ng Baguio City ng bilis na 40:11.05 para kunin ang ginto sa women’s 10,000m run. 

vuukle comment

NICOLE MEAH PAMINTUAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with