^

PSN Palaro

Pinoy riders mapapalaban na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kabuuang 29 Filipino cyclists ang makikipagsukatan ng lakas sa 50 riders na may 16 nationalities sa paghataw ng 9th Le Tour de Filipinas ngayong umaga na sisimulan sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City at magtatapos sa Palayan City sa Nueva Ecija.

Nadagdagan ng isang koponan mula sa tradisyunal na 15-squad roster, dumami rin ang bansang kalahok sa four-stage na 2018 edition ng Le Tour na inihahandog ng Air21, Cignal at Cargohaus Inc.

Matapos ang Pilipinas, ang Korea ang ikalawang may pinakamaraming bilang ng riders sa 10 kasunod ang Malaysia (7), Indonesia (6), Australia (5), Iran (5), Japan (3) at China (3) habang may tig-isa ang France, Singapore, Eritrea, Greece, Russia, Spain, Denmark at Colombia.

“This is going to be exciting considering that participation in the race has become bigger and wider,” sabi ni Donna May Lina, ang Le Tour de Filipinas organizer.

Ang Stage 1 ay isang 157.50-kilometer race na magsisimula sa Liwasang Aurora sa Elliptical Circle patungo sa Nueva Ecija capital.

Ang unang Le Tour de Filipinas champion na si Irishman David McCann ay isa nang Sports Director ng Malaysia-based na Forca Amskings Racing.

vuukle comment

9TH LE TOUR DE FILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with