Puwesto sa Youth Olympic Games nakataya
MANILA, Philippines — Anim na slots para sa 3rd Youth Olympic Games sa Buenos Aires, Argentina ang nakataya sa pagdaraos ng 4th Asian Senior and Junior Trampoline Gymnastics Championships na mag-uumpisa sa Sabado sa University of Makati basketball gym sa Makati City.
Sinabi ni Gymnastics Association of the Philippines president Cynthia Carrion na tatlong YOG slots sa lalake at tatlo sa babae ang paglabanan sa mahigit isang linggong kumpetisyon na kinilala ng Asian Gymnastics Union at sinusuportahan ng Philippine Sports Commission at ng City Government ng Makati.
“This international gymnastics event is important since the Asian juniors is a YOG qualifying competition so we can expect the best young trampoline athletes from all over the continent coming over to take part in this tournament,” sabi ni Carrion.
Ang malakas na China ay nagpadala ng apat na entries sa individual boys at girls event sa hangarin na masungkit ang 1-2-3 sweep sa bawat divisions.
Ang makakakuha ng YOG slots ay sasabak sa 2018 Youth Olympic Games na gaganapin sa Buenos, Aires, Argentina ngayong Oktubre 6-16.
Bukod sa China, ang iba pang malakas na bansa na sasali ay ang Japan na nagpadala rin ng apat na atleta bawat brackets.
Ang Team Philippines ay pangunahan nina Shane Francis Peralta at Fiona Mae Ventenilla na kapwa 16-anyos ayon kay national coach Ryan Rexel Fabriga.
- Latest